Monday, March 27, 2006

Alaala ni Batman

I was supposed to write something about my re-entry to the working community, but then nakita ko ang video ng Alaala ni Batman ng Radioactive Sago Project. At naisip ko, "'Langhya, andito na naman ang Sago...nagpapaka-astig!" Talaga namang nahumaling akong muli. Ito, lyrics...ibang level...bowdown talaga ako sa Sago...

Alaala ni Batman
Radioactive Sago Project

Ano ba yun....

Bale, 1986 nung una kong nakilala si Batman. Wala pang ABS-CBN nun. Sa BBC2 pa nun eh, panahon ni Marcos na malapit nang mamatay. Wala rin si Kris Aquino, wala pa si Boy Abunda. Sikat pa si German Moreno nun eh. Sabi ko, "Shit! Ang galing nito ah." Natulala ako nang una kong napanood si Batman. "Shit! Ang galing nito," sabi ko sa sarili ko. "Ang galing galing galing galing ng itsura ni Batman. Parang kinatam ang mukha. Ang galing ng costume. Umuumbok ang dibdib pero hindi pa rin bakat ang utong. At, ang galing ng gadgets niya, ang gara ng kotse, ang ganda ng bahay, ang galing-galing mag-Ingles, ang galing mangarate. Actually, pulbos nga lahat ng kalaban niya eh.Palagi ko siyang pinapanood nang tuwing hapon. Palagi akong nakikipag-away sa katulong namin dahil gusto niyang manood ng Lotlot and Friends at saka That's Entertainment. Pero ako, isa lang talaga ang gusto kong panoorin -- siya ring na idol na idol na idol na idol ko talaga (Idooool!).


Bale, idol na idol na idol na idol na idol ko talaga si Batman. Di bale na si Robin. Ayoko si Robin kasi parang bading. Ano kaya ang relasyon nila ni Batman? Pero, idol ko talaga si Batman nun. Palagi ko siyang dinodrawing. Palagi ko siyang ginagaya. Lahat ng mga bagay na Batman gustong-gusto ko at meron ako. Yung t-shirt ko Batman. Yung lunch box ko, Batman. Yung pencil case ko, yung panyo, sumbrero, yung toothbrush, yung brief ko, lahat yun Batman. Mahal na mahal ako ng tatay ko kasi kahit mahirap lang kami palagi niya akong binibili ng mga Batman na bagay. Pero minsan, gusto ko talaga ngBatmobile na laruan. Nagpabili ako sa kanya, sabi ko "Tay, bili mo naman ako ng batmobile o." Pero, kakadaing lang niya sa trabaho nun, at wala daw siyang pera. Kasi kasali yata sa unyon, at wala siyang ticket line kaya yun, natanggal. Kaya gumawa na lang siya ng tarak-tarak na lata ng sardinas at binutasan na lang at kinabitan ng tansan at dun ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal.

At paglumipas na ang mga taon na si Batman ay tuluyan nang naglaho mula sa aking alaala. Ngunit sa isang madilim na sulok ng aking kamalayan, alam kong naroon pa rin si Batman - isang tahimik na aninong nakabalabal sa dilim at misteryo sa loob ng aking utak at kwarto. At mula noon ay nag-iba na nga ang ihip ng hangin, nagulo na ang ikot ng mundo, kumupas na ang kulay ng buhay, dumaan ang mgakasintahan, ang mga asawa, ang mga taong akala mo'y kaibigan pero yun pala'y tarantado, mga artistang araw-araw napapanood sa TV na mga bobo, mga pulitikong bobo, mga trabahong maliit lang ang suweldo, isang milyong limpak na mga problema, isang bahada ng mgahinanakit sa mundong hinagpis. Hindi ko na matagalan. Hindi ko na matiis. Hindi ko na kaya.

Ngayon, hindi ko na talaga kaya! Hindi ko na talaga kaya! Hindi ko na kaya! May narinig akong putok na nasa kaibuturan ng aking utak. Bumigay na ang tali! Sumabog na ang bulkan! Nabasag na ang pula! Kaya ngayon, isang madilim na madilim na gabi, ako ay narito na sa tuktok ng isang mataas na mataas na building sa Ayala. Ang sarap ng hangin na umihip-ihip sa aking kapa. Nakataas ang aking mga kamay! Nakataas na ang aking mga kamay! Malapit na akong lumipad! Malapit na akong lumipad! Malapit na akong lumipad! Lipad, Batman, lipad! Lumipad ka! Lumipad ka! Lumipad ka papuntang langit! Lumipad ka! Lumipad ka! Nakataas ang aking mga kamay, nakataas na ang aking mga kamay!

Eh pero, bigla kong naisip hindi naman pala lumilipad si Batman, 'di ba? Hindi naman pala lumilipad si Batman. Hindi naman pala lumilipad si Batman. Kaya paalam, malupit na mundo. Paalam, mahal. Paalam po, inay, itay, kuya, ate, lolo, lola, paalam po. Lolo sa tuhod, paalam po. Lola sa siko, paalam po. Bantay, paalam. Muning, paalam. Ewan ko kung sinong magpapakain sa inyo. Paalam po, Aling Tekla. Paalam po, Mang Gorio. At saka ko na lang po babayaran yung sukang inutang ko sa inyo. Paalam, Jun-jun. Paalam, Bong-bong, Ba-bye Rose, Hoy! Ba-bye, Ba-bye, Baby. Ba-bye, Pablo....

No comments:

Post a Comment