Friday, June 24, 2005

Advice ni Hailie para kay Karen

Alam mo na dapat sumigaw ka ng pagkalakas-lakas na "Oi! Oi! Oi!!!" tapos kinampay-kampay ang mga kamay mo, para sigurado kang hard to miss. O kaya dapat nagkunwari kang natisod sa mismong harapan niya, ewan na lang kung hindi ka pa niya mapansin. At alam mo din na may option namang pa-demure...dapat tinawag mo na lang siya, "Charles". Siguro naman napatingin na siya nun.

Alam mo... Dapat... Dapat... Alam mo...

Kaso, hindi mo ginawa ang alam mong dapat ginawa mo. Instead, tumigil ka sa kalagitnaan ng super busy Manila City Hall. Tumulala. At bumulong, as in bulong, "Hailie..."

Halos apat na buwan mo nang binubulong ang pangalang Charles tuwing gusto mong ngumiti. Gusto mo mag-emote. Gusto mo magpaka-senti. Gusto mo magpaka-mushy. Gusto mo magmukhang tanga with your gooey eyes. Apat na buwan. Pero sa isang hapon na kaharap mo siya at kailangang ibulong ang pangalan niya, natameme ka. Ang labo.

Sabi nila hindi masakit magmahal. Tao ang nananakit. I second the motion. The moment of loving is a moment of bliss. You feel like everything is right. Everything can never go wrong. Until He (oo, si God) steps in and slaps you in the face na para bang sinasabi "Iha, gumising ka na. Ito...tingnan mo siyang mabuti." And yesterday was God's way of telling you na matagal ka nang hibang. Panahon na namang pumasok sa rehab.

Mahirap ang buhay sa rehab. Pagkatapos mong malulong sa isang bagay na nagbigay sa'yo ng sobrang kaligayahan, dadaan ka sa masakit na proseso ng withdrawal. Kung noon walang isip-isip mong kinukuha ang cellphone para mag-ubos ng load sa isang taong wala nang ginawa kundi ang paikutin ang ulo mo sa mga katarantaduhan niyang text, text na pinagpipilitan mong sincere pero deep inside alam mong hindi, ngayon ay kailangang ilayo mo na ang cellphone mo tuwing makadarama ka ng itch to sweet text him at kumbinsihin ang sariling "May mas mabuti pang bagay na mapupuntaha ang piso ko." Kung noon eh ang mga linya niya sa sulat na Nagpapasalamat ako sa Diyos at nakilala kita. Isa ka kasi sa mga taong nagpapaligaya sa akin. Bihira 'yun. ay nagdudulot ng matinding kakiligan sa'yo at ng mas matinding katangahan, ngayon ay unti-unti mo nang nilalagay sa pinakailalm ng balon ang mga sulat niyang pilit mo na dapat kinakalimutan ngayon. At kung dati ay nangingiti kang parang baliw tuwing maiisip mo ang panahong tumambay kayo sa Sunken Garden ng limang oras, limang oras na tambay sa ilalim ng big blue sky na noon ay nagpre-pretend ka pang puno ng cute little shiny stars pero ngayon ay aminado ka nang walang kalatoy-latoy ng gabing iyon, limang oras na tambay na wala naman talaga kayong ginawa kundi ang...tumambay ('yun lang), ngayon ay napapangiwi ka na at the thought of it. And how you now regret the fact that you detailed that night thoroughly in your beloved written journal. Come to think of it, mahaba 'yung entry na 'yun. Pero ang gist: Oi, tumambay kami sa Sunken for 5 hours. Nothing more, nothing less. And now you can't imagine why you were so kilig. Okay, you can imagine...pero sising-sisi ka na ngayon. And the extreme mushy person in you posted his picture as your background sa Windows, sa IM, sa kung anik-anik. You even tied his name with yours para sa lahat ng password mo...as in lahat. Password sa computer: KhayCharles18. Password sa work tool: KhayCharles18!. Password sa work email address: khaycharles18. Basta, lahat. Kaya ngayon, isa lang ibig sabihin niyan. Bilang therapy sa isang bagong pasok sa rehab na katulad mo, ito na ang tamang panahon para palitan ang wallpaper mo. Para palitan ang IM background mo. Para palitan ang mga password mo. At oo. Burahin mo na 'yung special folder sa cellphone mo na ang laman lang ay ang mga nonsensical niyang text messages. OO!!! Sa madaling salita, lahat ng tungkol sa kanya, kalimutan mo na muna. "Kalimutan mo na muna" kasi hindi naman ibig sabihin na nasaktan ka, na-addict ka sa isang bagay na walang kakuwenta-kuwenta, kailangan ka nang maging recluse sa konsepto ng pag-ibig for life. Hindi. Kaya ka nga nagpa-rehab 'di ba? Ibig sabihin, mend your broken heart and emerge from the experience renewed, refreshed, and ready to love again.

Just think: in this life, oo masaya kung may boyfriend ka. Pero isipin mo na lang, buo ka bago pa siya dumaan sa buhay mo. Kaya don't take too long staying on rehab mode. Sayang ang panahon...there are lots of cute men out there with great personality. And they won't break your heart. And they are just waiting for you, dear princess. So pick up your sorry heart and tell her to straighten her act.

Just follow all of my advices and you'll be okay in a short time.

And oh, another thing: don't ever, ever entertain - even for just a second - the thought, "Baka kapatid niya lang 'yun..."

No comments:

Post a Comment